Friday, August 5, 2016

MGA UGALI NA DAPAT TINATAGLAY NG ISANG MARKETER

           Ang napili kong larangan ay Marketing Management sapagkat ito ang aking kursong kinukuha. Ang kursong ito ay tungkol sa pagnenegosyo, sa pagtuklas ng mga bagong produkto at sa promosyon ng itinitindang produkto at inilalaan na serbisyo. Industrious o ang pagiging masipag, masikap, at masigla ay kailangan gampanan ng isang marketer o nagmemerkado sapagkat kailangan niya pagsikapan, at pagsipagan ang kanyang ginagawa dahil ito ang kanyang ginustong kurso. Kung ikaw ay masipag at masikap ang iyong negosyo ay uunlad. Magbubunga ito ng maganda dahil ikaw ay nagsipag. Ang pagiging masigla naman ay kailangan din sapagkat kung ikaw ay nagmemerkado ng iyong produkto kailangan ito upang ang mga mamimili ay masiglahan din sa iyong produkto. Kung tayo ay masipag at masikap ito ay nakuunlad para sa ating negosyo. Resilient naman o nababanat ay kailangan din sapagkat, dapat tayong mga nagmemerkado ay may taglay na ibang kakayahan. At ang kakayahan na ito ay dapat nababanat hindi lang marapat tayo magaling sa isang larangan dapat mayroon din tayong taglay na ibang kakayahan upang mas lalo pa nating mapaunlad ang ating negosyong sinimulan. At nababanat din ang ating kaalaman tungkol sa pagnenegosyo upang mas marami pa tayong ideya na pagbabasehan ukol sa paglikha ng makabagong produkto. 

                 Sa larangan na ito ay kailangan din natin ang pagiging responsable. Tayo ay dapat maging responsable sa lahat ng bagay na ating ginagampanan, lalo na sa ating obligasyon sa ating negosyo. Gampanan natin ang pagiging responsable natin sa mga mamimili ng produkto at bigyan natin sila ng magandang serbisyo. At halimbawa kung sila ay magrereklamo ukol sa kanilang biniling produkto dapat responsable tayo na palitan ito sapagkat ito ang ating obligasyon para mapagtagumpayan natin ang reklamong ito. Kailangan din natin ang pagiging maawain o compassionate sa ating kapwa. Sa pagnenegosyo kailangan ito sapagkat para sa atin dapat tayong maawa sa mga mamimili, hindi dapat natin taasan ang presyo ng ating produktong itinitinda, hindi dapat natin dayain ang mga mamimili. Dahil ngayon ang buhay ay mahirap na, mahirap kumita ng pera. Hindi uunlad ang iyong negosyo kung ikaw ay mandaraya. Bilang negosyante dapat tayo ay Trustworthy o mapagkakatiwalaan, maaasahan at karapat-dapat pagkatiwalaan. Mapagkakatiwalaan sapagkat tayo ay hindi mandaraya, nagbibigy ng maayos at magandang serbisyo para sa pangangailangan ng ating mamimili. Ang produkto na ating itinitinda ay malinis, maayos, at may mataas na kalidad upang ang mga mamimili ay magtiwala. Maaasahan, tayo ay dapat laging maaasahan upang hindi natin mabigo ang pangangailangan ng ating mga mamimili. Karapat-dapat tayong pagkatiwalaan dahil hindi tayo manloloko, nakikipag-lamangan sa iba at hugit sa lahat hindi tayo sinungaling at nagbibigay tayo ng maganda, malinis, at maayos na serbisyo. At sa huli, kailangan nating maging magalang lalo na sa ating mga mamimili, bata man o matanda dapat pareho natin sila iginagalang dahil lahat ng tao ay pantay-pantay. Walang perpekto sa mundo. Igalang natin ang bawat desisyon ng tao kung gusto o ayaw ba nito ang iyong produkto. 
            
                 Ang lahat ng katangian na iya ay dapat taglay natin sapagkat sa pagnenegosyo bilang negosyante ay kailangan natin ng customer o mamimili. Dapat binibigay natin ang kagustuhan ng bawat ito upang tayo ay kumita. Ang mga mamimili ay ang nakapagbibigay ng buhay sa ating negosyo dahil sila ang susi upang mapataas ang kita at sususporta sa paglago ng ating negosyo. Kung wala tayong mamimili paniguradong madaling babagsak ang ating negosyo na itinayo. Bilang negosyante, kailangan din nating matutunan na makihalubilo ng maayos sa ating mga mamimili. At lagi dapat tayong presentable sa mga tao. Dapat marunong din tayong tumanggap ng rejection o pagtanggi at pag-ayaw ng mamimili sa ating produkto at dapat tayo rin ay matalino sa pagiisip ng bagong ideya at konsepto para sa ating produkto. Ang lahat ng katangina na ito ay dapat nating taglayin upang tayo ay maging asensado sa buhay at nang mapagtagumpayan natin ang ating pinagaralan tungkol sa kursong ito at sa larangan na ating pinili. Tayo ay magtiwala lang sa ating sarili at lalo na sa ating Panginoon upang makamit natin ang pagiging matagumpay. 

Saturday, June 25, 2016

TUNGKULIN NG WIKA

TUNGKULIN NG  WIKA  

IMPORMATIB 

Ito ay IMPORMATIB dahil ito ay nagbibigay ng impormasyon sa ating lahat na dito ang CR ng babae at lalaki kung sakaling tayo ay gagamit. 

HEURISTIK 

Ito ay HEURISTIK sapagkat ang babae ay naghahanap ng impormasyon o datos tungkol sa kanyang binabasa, siya ay naghahanap ng impormasyon tungkol sakanilang tatalakayin sa klase. 

REGULATORI 

Ito ay REGULATORI sapagkat ito ay kumokontrol, gumagabay sa ating kilos. Dapat natin itong sundin upang maiwasan nating malaglag, o mapatid at upang walang mangyaring masama sa ating pag akyat. 



Comments system

Disqus Shortname